Pages

Thursday, June 14, 2007

Lunes...walang pasok.

Lunes, celebration ng independence day kaya walang pasok. Sakto!

After lunch, pumunta na ko sa TP para kunin ang ZZZ flyers. Sa isip isip ko, magaan lang naman siya. Aba, tatlong bulto pala siya kaya pinabalik ko ang kapatid ko para iuwi nila ang dalawang bulto. Binitbit ko ang isa magdamag at ang bigat nya!

Hinintay ko si Zshali dun dahil sabi nya wala naman siyang gagawin kaya nagpasama ako. Dahil sa sadyang masyado pang maaga nagpalipas kami ng oras dun. Nakipagkwentuhan kami kay Paolo at ang wealth of knowledge nya tungkol sa broadway musicals ay kamangha-mangha. Nakakatuwa siyang kausap. Nung nagsimula ng pumatak ang ulan ay nagpunta ay nagpaalam na kami ni Zee at humayo na pa-Makati para ibigay ko kay Arnold ang tickets nya.

Pagkatapos ay naglakad naman kami papuntang Enterprise para ibigay naman kay Jennifer ang mga tickets nya. Napaka-init kaya kahit na hindi ganon kalayo eh parang dalawang bundok ang tinawid namin! Parang pagod na pagod na si Zee at ni walang hangin para maginhawaan naman kami ng konti. Nagpalipas kami ng oras sa Bio-Essence yata yun bago nagpuntang BPI para i-meet naman si Ate Yang. Pagkatapos nun, bumalik kaming Greenbelt 3 para makipagmeeting kina Jencarps at Grace. Dun ko pa lang nailapag ang mga flyers. Salamat naman.

Medyo mahaba ang diskusyon dahil naguguluhan pa sila sa set-up pero naging maayos naman ang lahat. Nakauwi ako ng mga alas-dose ngunit di pa ko nakapagpahinga. Alas-tres na dahil sa dami ng dapat pang ayusin at i-audit. Ang sakit na ng likod ko!

No comments:

Site Stats