Pages

Monday, July 02, 2007

Thanks thanks!

Hindi independence day Zee at Tin pero tagalog na lang ang entry dahil nahihirapan na kong mag-Ingles.

Salamat ng marami sa lahat ng nanood dun sa playdates namin.

Salamat sa TP, Yvette, Paolo, Minette, Chynna, Lanie at Jing sa pag-accommodate sa mga requests namin. Kakaiba!

Salamat sa inyo Zee, Hogi, Dyown at Tin dahil kahit ilang beses nyo ng napanood ang show eh bumili pa rin kayo.

Kay Ate Yang, salamat din sa kaka-promote sa dates namin. Ganon din sa ibang mga bloggers na di namin kilala for posting our show dates and numbers.

Siyempre salamat rin sa lahat lahat ng bumili ng tickets from us.

Sa nagalit sakin at sinabihan akong ayus-ayusin ko ang trabaho ko, kung sino ka man, salamat na rin kahit na ang ticket na pinapa-reserve mo eh hindi naman sa amin. Pasensya na tao lang.

Sa nagalit sakin dahil balcony ang binili nya at bakit daw nasa balcony siya, wala akong masabi sayo! Sa naiinis kahapon dahil akala daw nya eh Cinderella at Snow White ang palabas, isa ka pa!

Salamat sa mga nagbigay tulong pinansiyal at sa pagpromote ng mga dates namin. Salamat sa Sunsilk (Ms. Janice), Sykes (Gerard at Aileen), 103.5 (Ms. Claudine), Wazzup Wazzup para sa crawl, PEP (Jocelyn), Clickthecity (Dara) at sa iba pang nagdikit ng mga posters namin. Thanks thanks, sa uulitin! =)

Can't say thank you enough!

No comments:

Site Stats